How to get a copy of VaxCert in the Philippines?

Isa ka ba sa mga Filipino na nakatanggap ng bakuna laban sa Covid-19 noong panahon ng pandemic dito sa Pilipinas? Kung maaalala ninyo ay binigyan ang bawat isa sa atin ng vaccination card kung saan nakalagay doon ang petsa ng mga bakuna at klase ng vaccine na ibinigay sa atin. Ang mga information na ito ay na encode nila sa database kung saan maaaring i-validate sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code. 

Sa kasalukuyan ay may iilan na mga local cities and municipalities na nagbibigay ng kopya nito. Dahil ang dating application na ginamit ay hindi na gumagana at ito ay pinalitan na.  Ma access mo ang VaxCard sa pamamagitan ng pag-download ng mobile app na ito: eGovPH (Playstore)   eGovPH (App Store)  

Dito ay maaari mong i-screenshot ang iyong Vaccination Certificate at saka i-print kung kinakailangan.

Ganito ang itsura ng mobile app ng eGovPH

Pagkatapos mong mai-download ang app ay gumawa ng account. Sundin lamang ang mga instruction at kumpletuhin ang mga impormasyong hinihingi para makagawa ng iyong sariling account. Ang mobile application na ito ay ginawa ng DICT (Department of Information and Communication Technology) upang suportahan ang digitalization ng Philippine government para mas mapabilis ang pag proseso at pag access sa mga serbisyo ng gobyerno kahit saan mang lugar sa Pilipinas.  (Republic Act 10844: The DICT Act of 2015) (Republic Act No. 11032: Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018).

I-tap ang Health Icon upang ma-view ang VaxCert

Pagkatapos makumpleto ang registration ay i-click ang Home Icon upang mapunta sa page na ito. I-tap ang Health Icon upang ma view ang iyong VaxCert. 

I-tap ang VaxCertPH upang maview ang vaccination information mo.

Sample VaxCert

Ganito ang itsura ng VaxCert at maaari itong ma verify sa pamamagitan ng pag scan sa QR Code. Go to https://vaxcert.e.gov.ph upang ma scan at ma-verify ang iyong certificate. 

Maaari mo itong i-screenshot at ipa print kung sakaling kailanganin sa iyong pag-aaplay ng trabaho o travel abroad. 

Sa pamamagitan ng eGovPH app ay maaari mo ding ma-access ang iyong National ID, SSS, Philhealth Records, Pagibig (Virtual), BIR TIN, eTRavel, Jobs, Sim Card Registration at iba pang serbisyo ng gobyerno.





Post a Comment

New comments are not allowed.*

Previous Post Next Post