SSS Retirement Benefit : Magkano ang matatanggap mong pension?

Bilang miyembro ng Social Security System, isa sa mga benepisyo na maaari mong matanggap ay ang pagkakaroon ng buwanang pension kapag ikaw ay nagretiro na sa iyong trabaho. May dalawang klase ng pension na pwede mong pagpilian. Kung ikaw ay may 120 o higit pang hulog sa SSS maaari kang tumanggap ng monthly pension. Kung ikaw naman ay hindi naka kumpleto ng 120 na hulog sa SSS, makakatanggap ka ng lumpsum amount. 

Narito ang paraan para ma-check mo ang halaga ng iyong magiging monthly pension kapag ikaw ay retired na:

1. Una ay i-search sa browser ang website ng sss.gov.ph at mag log-in sa iyong My.SSS account.


2. Kapag nakapag log-in ka na ay i-click ang Benefits Tab at sa baba nito i-click ang Simulate My Retirement (Calculator).


3. Pagka- click nito ay lalabas na ang table kung saan makikita mo ang halaga ng iyong buwanang hulog at ang katumbas na magiging pension mo kada buwan kapag retired ka na.  (Makikita ito sa pangatlo o pang apat na column). Ang unang column ay ang halaga ng monthly contribution mo bago ka nag retiro.


Paalala na hindi pa ito ang eksaktong halaga ng iyong pension, ito ay estimated lamang. Nakabase ito sa iyong buwanang contribution. Kung may pagbabago sa halaga ng iyong naging contribution simula ng ikaw ay naging miyembro ng SSS, maaaring mabago ang halaga ng iyong monthly pension.

Kung ikaw naman ay self employed o voluntary member na nagbabayad ng contribution, maaari mong taasan ang iyong hulog ng isang level sa loob ng isang taon. Ngunit hindi ka maaaring maghulog ng mas mababa sa halaga nito.

Narito ang ilang pang mahalagang paalala ng SSS sa mga members nito. 




Post a Comment

Previous Post Next Post