Ang Manila Ocean Park ang pinaka unang marine theme park sa Pilipinas na hindi mo dapat palampasin na bisitahin dahil tiyak na mag e- enjoy ka dito.
Ito ay matatagpuan sa mismong likod ng Quirino Grand Stand at Rizal Park sa Manila City. Makikita dito ang iba't ibang uri ng marine life creatures kasama na ang mga penguins at sea lions.
ENTRANCE FEE:
- Sa ngayon ay may offer sila na Online Sale Ticket worth P680 / ticket for 8 attractions. You can sa kanilang website Manila Ocean Park para sa updated online promos
- Kung ikaw naman ay mag WALK-IN ang price ng ticket ay P750 / ticket for 8 attractions.
1. Oceanarium
2. Trails to Antarctica - Penguin Exhibit
3. Trails to Antarctica - Christmas Village
4. World of Creepy Crawlies
5. Jellies Dancing Sea Fairies
6. Super Toy Collection
7. Sea Lion Show
8. All Star Bird Show
MGA DAPAT DALHIN: Ito ang ilan sa mga dapat dalhin kung pupunta kayo ng Manila Ocean Park.
- Screenshot or printed copy of your ticket/ QR Code (If you booked online)
- Face mask
- Water container/tumbler to rehydrate
- Sunscreen for skin protection
- Cap or Visor ( you will need this during the Sea Lion's show)
- 1 Valid ID and Vaccination Card for verification ( just in case though it is not required as of now)
SCHEDULE:
Ang park ay open from Tuesdays to Sundays 10:00 am to 6:00 pm. Sa bawat attraction ay kailangan i-scan ang QR code sa iyong ticket. Once na makalabas ka na ay hindi ka na papasukin uli dahil ito ay for single entry lamang.
Sa loob ay may madadaanan na restroom at mga food stall kung sakaling gutumin sa paglilibot sa loob ng park. Nakaka amaze ang mga naglalakihang mga aquarium at mga sea creatures dito na sa tubig dagat mo lang makikita.
Ang tubig sa aquarium nito ay filtered at mula sa dagat ng Manila Bay. Masasabi kong maganda ang maintainance ng park dahil maayos at malinis ang mga aquariums nila. Napaka relaxing panoorin at talagang mag e-enjoy bata man o matanda.
MY MANILA OCEAN PARK TOUR ITINERARY: Para mas masulit nyo ang pamamasyal ay aabutin kayo ng more or less than 2 hours depende na rin sa kasama niyo at kung gaano katagal kayo na mag picture taking.
10:00AM - Arrival at the Manila Ocean Park
10:15AM - Go and explore the Oceanarium
10:30AM - Go to Trails to Antarctica - Penguin Exhibit** & Christmas Village
11:00AM - Go to World of Creepy Crawlies***
11:10AM - Go to Super Toy Collection
11:20AM - Go to Jellies Exhibit
11:30AM - Lunch
12:30PM - Watch the Sea Lion Show and All Star Bird Show (Take Note of the schedule below)
TIPS and SUGGESTIONS:
- I suggest na pumunta ng maaga at tuwing weekdays (Tuesday, Wednesday, Thursday) para hindi ganoon kadami ang mga tao.
- Bring your own water. (Bottled water in the park costs P50)
- Much better kung maaga kayo matatapos maglibot para mas madali makauwi dahil mahirap ang transportation ng closing time.
PAANO PUMUNTA NG MANILA OCEAN PARK?
From Caloocan Monumento LRT Station 1.
- Sumakay ng LRT at bumaba sa may United Nations Avenue Station.
- Pag baba ng LRT, kumanan papunta sa Kalaw Ave. Tumawid sa kabilang lane ng kalsada at maglakad.
- Derecho lang ang lakad (medyo malayo talaga kung lalakarin from LRT). Madadaanan mo ang National Museum at Luneta Park
- Pag nasa Roxas Boulevard ka na makikita mo ang signage ng Manila Ocean Park. Tumawid sa kabilang kalsada at sundan lang ang yellow arrow kung saan ito nakaturo.
- Sa likod mismo ng Quirino Grand Stand ay makikita mo na ang Manila Ocean Park.
Para hindi mapagod sa paglalakad, you can book a taxi para ihatid ka sa area or if available may mga e-bike around the area na pwede mong sakyan papuntang Manila Ocean Park (Special Trip)
I can say that it is worth the experience bilang hindi ako marunong lumangoy at hindi ako palagi makakakita ng mga naglalakihang isda at pating sa buhay ko. Lalo na ng penguin at sea lions. Before sa TV ko lang sila nakikita and now may chance tayo to see them ng malapitan.
Although during sea lion show, kailangan mong magtiis sa ilalim ng init ng araw dahil nasa hindi covered ang mga upuan sa harapan. Kailangana talaga ng sunscreen at mag cap (bawal ang payong).
Tags:
Places