Ikaw ba ay dating miyembro ng Pag-IBIG Fund at nais mo na ituloy ang iyong hulog bilang voluntary member o self employed individual?
Kung Oo, narito ang mga dapat mong malaman para ma update ang iyong membership at makapagpatuloy sa paghuhulog ng iyong contribution.
- Una, kailangan mong kumpletuhin ang form na ito Members Change of Information Form (MCIF).
- Pwede mo itong i-download at i-print para dalhin sa pinaka malapit na Pag-IBIG branch sa inyong lugar.
- I-print ito sa isang short bond paper (1 copy) back to back. Hindi kailangan na colored ang print, pwede rin na i- photocopy ang form.
- Magdala lamang ng isang valid government issued ID kasama ang MCIF kapag pupunta sa Pag-IBIG branch.
- Maaari din humingi ng form sa mismong Pag-IBIG Branch, sabihin lang sa guard na magpapa "change ng members information".
Ang minimum contribution ay P200 at maaari mo itong taasan kung nanaisin mo.
Tags:
Information