It is quite common these days that we see open spaces in the cities where people can go and spend some time peacefully. Valenzuela City is one of the places in Metro Manila who continues to develop and build parks para may pasyalan ang pamilya lalo na ang mga bata at hindi na kailangan pang mag byahe ng malayo sa kanilang mga bahay.
Ang Family Park ay located sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City, malapit sa Karuhatan General Hospital. Ito ay may lawak na 1.1 hectares at libre ang entrance dito.
Paano pumunta sa Family Park via commute?
1. From Monumento to Karuhatan Family Park.
- Sumakay ng jeep mula sa Monumento na may signage na papuntang Malinta, Malanday o pa Bulacan. Bumaba sa palengke ng Karuhatan. Lagpas lang ito ng SM City Valenzuela.
2. From Bulacan to Karuhatan Family Park
- Sumakay ng jeep na byaheng Monumento/ MCU na dadaan sa McArthur Hi-way.
- Bumaba sa Palengke ng Karuhatan at tumawid sa kabilang kalsada sa may Baker's Fair o 7-11 Convenience Store.
Mula sa babaan, maglakad papasok sa palengke. From Baker's Fair ay derecho lang ang lakad, mga 10 to 15 minutes walk. Pag nakita mo na ang LTO registration office at 3S Center ay malapit ka na sa mismong park.
Ano ang kailangan dalhin para makapasok?
- Kailangan lagi suot ang Facemask.
- Kailangan dalhin ang iyong Vaccination Card at ValTrace QR Code para ma check ng guard bago ka papasukin sa loob ng park.
Ang Family Park ay open everyday from 6:00 am to 9:00 pm. Mahigpit ang pagpapatupad ng minimum health standard habang nasa loob ng family park.
Ang Family Park ay pet friendly, bike friendly at PWD accessible. Maraming seats ang nagkalat sa buong park kaya makakapagpahinga ka kung napagod na sa palalakad. Mayroon ding 2 magkahiwalay na restrooms para sa lahat.
Mini playground |
Fitness Equipments |
Sa loob nito ay may sariling mini playground para sa mga bata. Mayroon ding fitness equipments para sa mga nais na mag work out. Kung sakaling magutom ay mayroon din naman mga pagkain na mabibili sa loob. Pwede ring magdala ng sariling food kung gusto nyo mag picnic.
Mayroon ding aviary sa loob at mlayang namamasyal din ang mga rabbits sa paligid. Malinis at may CCTV monitoring sa loob upang masiguro ang kaligtasan ng mga namamasyal.
Restroom |
Tags:
Places