Nakapag try ka na ba ng soaps from Thailand? This is one of the best selling soaps online. Many said kung gaano ka effective ang beauty products from Thailand from soaps, creams, lotions and a lot more. Kaya naman marami na rin sa atin ang nagtitinda ng products galing doon. Some of the celebrities also use Thai beauty products kaya malamang na maganda nga itong gamitin. Pero syempre depende pa rin sa skin type ng tao at sa gusto mong ma achieve.
I was able to try some of this soaps, so I can tell you my review. I've used this Snail White Collagen Brightening Soap. Hindi naman sa gusto kong pumuti, I'm okay with my complexion but I wanted to try other soaps for a change.
Isa sa mga napansin ko sa Thai soaps ay ang kanilang packaging, para sa akin very pleasant at maganda ang quality sa packaging nito compare sa mga common na sa atin na naka box or naka plastic na manipis.
Yung mismong soap ay sakto lang ang laki at mabango sya. I used it with the mesh bag para di sya mabilis matunaw pero talagang mabilis syang matunaw lalo na if everyday mo na ginagamit at kung twice a day kang naliligo.
Ang effect naman nya sa skin na mapapansin mo din agad, naging mas softer ang skin at may instant glow effect sya. Hindi sya dry sa balat, yung whitening effect medyo hindi ko napansin kasi hindi ko naman bet na magpa puti pero kung continous ang gamit ay baka dun mo pa lang makikita ang whitening effect nito. This variant is very gentle sa skin, mag e-enjoy kang gamitin dahil mabula ang soap na ito.
By the way, this is FDA approved in Thailand kaya naman safe na gamitin. Beware sa mga ibang sellers na nabebenta ng immitation or copy ng Snail White Soap. The original was produced by Perfect Skin Lady mismo. May other seller kasi na nagbebenta ng same brand name which is Perfect Skin Lady but produced by a different factory. That seller also claimed na FDA approved ang product nila, however it is still a copycat ng original.
Tags:
Body